BOSAIMIE.jp

  Home > Pag-iwas sa sakuna sa araw-araw na pamumuhay > Paghahanda sa lindol > Mga nakaraang kalamidad sa lindol
Pag-iwas sa sakuna sa araw-araw na pamumuhay
Paghahanda sa lindol

Mga nakaraang sakuna ng lindol

スペーサー
Maraming lindol ang nangyari sa Mie Prefecture. Maraming nakarekord na lindol na nagdulot ng pinsala sa Mie Prefecture sa nakaraan, ngunit walang natitirang detalyadong rekord. Sa mga ito, ang mga lindol na may area ng epicenter sa dagat ng Tokaido at dagat ng Nankaido ang mga lindol na maituturing na malaking sakuna, parehong may kasamang tsunami, at nagdulot ng malaking pinsala sa area mula sa Shima Peninsula hanggang sa baybayin ng Kumanonada. Isinasaad sa sumusunod ang tungkol sa kalagayan ng pinsala ng 2 lindol, ang Tonankai Earthquake (Taong 1944) at Nankai Earthquake (Taong 1946), na nagdulot ng malaking pinsala sa mga kamakailang taon.
スペーサー
Page Top
スペーサー

Tonankai Earthquake (Disyembre 7, 1944, M 7.9)

スペーサー
The Tonankai Earthquake Dahil malapit ang epicenter na mga 20 km sa dagat ng Kumanonada, malaki ang direktang pinsala, at malala ang pinsala ng tsunami sa baybayin ng Kumanonada. Sa prefecture, 5 ang intensidad o tindi ng lindol (6 sa ilang bahagi), narekord ang 10 m taas ng tsunami, at nagkaroon ng malaking pinsala tulad ng 389 na kataong namatay, 608 kataong nagtamo ng injury, 1627 ganap na nasira at 4210 bahagyang nasirang tahanan atbp.
"Lungsod ng Owase na tinamaan ng Tonankai Earthquake" Litrato: G. Kanenori Ota
The Tonankai Earthquake
"Lungsod ng Owase na tinamaan ng Tonankai Earthquake" Litrato: G. Kanenori Ota
Dahil malapit ang epicenter na mga 20 km sa dagat ng Kumanonada, malaki ang direktang pinsala, at malala ang pinsala ng tsunami sa baybayin ng Kumanonada. Sa prefecture, 5 ang intensidad o tindi ng lindol (6 sa ilang bahagi), narekord ang 10 m taas ng tsunami, at nagkaroon ng malaking pinsala tulad ng 389 na kataong namatay, 608 kataong nagtamo ng injury, 1627 ganap na nasira at 4210 bahagyang nasirang tahanan atbp.
Page Top
スペーサー

Nankai Earthquake (Disyembre 21, 1946, M 8.0)

スペーサー
Nangyari ang Nankai Earthquake 2 taon pagkatapos ng Tonankai Earthquake. Dahil mga 50 km sa timog ng Cape Shionomisaki, mas maliit ang pinsala kung ihahambing sa Tonankai Earthquake, ngunit 4 ang intensidad o tindi ng lindol (5 sa ilang bahagi) sa loob ng prefecture, 4-6 m ang tsunami, 11 katao ang namatay, 35 katao ang nagtamo ng injury, at sa mga tahanan, 65 ang ganap na nasira at 92 ang bahagyang nasira.
スペーサー
Page Top
スペーサー

Maghanda para sa malakihang lindol

スペーサー
Sa Mie Prefecture, mula sa may panganib na mangyaring malakihang lindol sa malapit na hinaharap, itinalaga ang 18 munisipalidad bilang Area kung saan Pinagpapatibay laban sa Tokai Earthquake (Area kung saan Pinagpapatibay ang mga Hakbang sa Pag-iwas sa Sakuna ng Lindol kaugnay sa Tokai Earthquake ang pormal na tawag), at ang lahat ng munisipalidad sa loob ng prefecture bilang Area na Isinusulong sa Tonankai at Nankai Earthquakes (Area kung saan Isinusulong ang mga Hakbang sa Pag-iwas sa Sakuna ng Tonankai at Nankai Earthquakes). Nairekord din sa mga sismometro sa loob ng Mie Prefecture ang maraming lindol na nararamdaman ng tao, at kailangang ugaliin ang paghahanda para sa lindol na hindi nalalaman kung kailan mangyayari.
スペーサー
Page Top
Copyright(C) Mie Prefecture, All Rights Reserved.
Dibisyon ng mga Hakbang laban sa Sakuna, Departamento ng mga Hakbang sa Pag-iwas sa Sakuna, Mie Prefecture