Pagpupulong sa pag-iwas sa sakuna na gaganapin sa pamilya
|
|
Hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng sakuna.
Upang hindi mahirapan sa oras ng kagipitan, mag-usap ang lahat ng miyembro ng pamilya para mapagpasyahan ang paghahati-hati ng tungkulin sa oras ng sakuna, pagtiyak ng evacuation site, at iba pa.
|
|
Hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng sakuna.
Upang hindi mahirapan sa oras ng kagipitan, mag-usap ang lahat ng miyembro ng pamilya para mapagpasyahan ang paghahati-hati ng tungkulin sa oras ng sakuna, pagtiyak ng evacuation site, at iba pa.
|
|
|
|
|
|
-
Saan ang pinakaligtas na lugar sa loob ng bahay? Saan naman ang mapanganib na lugar?
-
Saan ang evacuation site (pansamantalang evacuation site, itinalagang evacuation center)?
-
Sa halip ng pinakamaikling distansya, pag-isipan ang ligtas na evacuation route
-
Pagpasyahan ang lugar kung saan kayo magtatagpo
-
Pag-isipan ang paraan ng pakikipag-ugnayan
-
Sa karaniwan pa lamang, inspeksyunin ang kasangkapang gumagamit ng apoy,
mantenihin at i-repair ang bahay, at ligpitin ang loob ng silid
-
Ano ang dapat ihanda bilang bagay na dadalhin sa oras ng emergency
-
Tiyakin ang lugar kung saan nakalagay ang fire extinguisher, first aid kit,
at mga pang-emergency na bagay na dadalhin
-
Aktibong lumahok sa pagsasanay sa pag-iwas sa sakuna
|
|
|
|
|
|
|
Mga bagay na dadalhin sa emergency at mga bagay na pang-reserba
|
Ilagay sa knapsack o iba pa ang minimum na kailangang mga bagay na dadalhin sa emergency kapag nagkaroon ng sakuna at iba pa ayon sa estruktura ng inyong pamilya, at subukang pasanin ito minsan.
Tiyakin kung malayang maigagalaw ang dalawang kamay, na mga 15 kg para sa lalaki at 10 kg para sa babae.
At para masuportahan ang pamumuhay pagkatapos dumanas ng sakuna, maghanda ng pagkain, tubig, mga pang-araw-araw na kagamitan at iba pang bagay na pang-reserba na para sa 3 araw bawat tao. Gawing pamantayan ang 3 litro sa 1 araw bawat tao, at maghanda ng tubig na maaaring iimbak sa loob ng mahabang panahon, ayon sa estruktura ng inyong pamilya.
|
|
|
|
|
|
|
|
Mga bagay na dadalhin sa emergency
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Valuables (cash, passbook, pantatak (inkan), sertipiko ng titulo atbp.), maiinom na tubig, pagkain, flashlight, baterya, radyo, posporo, lighter, kandila, first aid kit, damit, sapatos, pamprotektang hood, helmet, dust mask, guwantes (gunte), tuwalya, abrelata, plastik na supot, tisyu, toothbrush set
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Mga bagay na pang-reserba
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Tubig, pagkaing nakapakete (retort food), iba't ibang de-lata, pregelatinized rice (alpha-mai), hardtack, throat candy, mga tsitsirya, disposable chopsticks, kutsara, kalang de-cassette gas can, disposable hand warmer (kairo), portable toilet atbp.
|
|
|
|
|
|
|
|
|
NTT Disaster Emergency Message Dial (171)
|
Kumusta ka/kayo?
OK ako/kami
|
Kumusta ka/kayo?
OK ako/kami
|
|
I-dial ang "171," sundin ang patnubay sa paggamit at i-rekord o i-play ang message. Pagpapasyahan sa NTT, at ipapaalam sa TV, radyo atbp. ang tungkol sa pagsisimula ng serbisyo at mga kondisyon ng serbisyo tulad ng bilang ng maire-rekord na message atbp.
|
Sa (×××)×××-××××, i-dial ang numero ng telepono ng taong nais kontakin.
Kahit taong nasa loob o nasa labas man ng lugar na pinangyarihan ng sakuna, i-dial ang numero ng telepono ng lugar ng sakuna mula sa area code.
|
|